Martes, Pebrero 22, 2011

TALAMBUHAY NI JAZZMINE F. LLAVE (babaeng sawi)


AMA :)
             Sisimulan ko ito sa unang-unang pangyayari kung bakit ako naririto sa mundong ito.Ang Pangalan ng aking INA ay si MA.CHRISTINA MARCIANO FORTALEZA. sabi niya o kinukwento niya sa amin simpleng tao lang siya at hindi marangya ang buhay nila.Sa pag kakakwento ng aking ina mahirap lamang sila at wala pang magandang buhay na ibinigay ang ama nila.nung sila ay lumalaki na imbis na pag aralin ay mas gusting mag trabaho agad.pero nag aral si mama nun hindi alam un nang tatay niya. si mama ay taga LUCENA CITY.nakapag tapos siya nang HIGH SCHOOL  sa QUEZON HIGH NATIONAL HIGH SCHOOL.at nakapag KOLEHIYO ng isang taon at kalahati lng.Dahil sa kakulangan sa pera siya lang naman nag paaral sa kanyang sarili.Nang makapag trabaho siya napag aral niya ung dalawa niyang kapatid at nakapag tapos matalino naman ung mga kapatid niya kaya nabigyan ng SCHOLARSHIP.
Mama at Kuya at Ate ko :))
      


Graduate ( kinder )
           Ang aking AMA naman ay si JULIO DE LUNA LLAVE JR, kabaligtaran naman ng buhay ni mama maayos ang pamilya nila ang kanyang ama ay ENGINEER at ang kanyang ina ay DENTISTA.nakapag tapos si papa sa school ng ADAMSON UNIVERSITY.nag kakilala sila ni mama si isang lugar di ko na tanda kung saan.nabighani dw sa kagandahan ni mama si papa nag ka developan sila.hanggang sa dumadalaw si mama sa bahay ni mama.pinakitunguhan ni papa ang ama ni mama.natanggap naman ng tatay ni mama si papa.naging sila at tumagal ang pag sasamahan nila hanggang nag pasyang mag pakasal na. mas matanda si papa ng tatlong taon ky mama pero age does’nt matter.ikinasal sila noong APRIL 24,1990 at nag bunga nang unang anak na si JANINE FORTALEZA LLAVE.si ate pa lng ang unang anak noon.nag  trabaho si papa sa SAUDI. executive secretary.halos ilang taon din dw nawala si papa noon.pero kahit ganun araw-araw naman tumatawag si papa sa nag papadala din sa kanyang pamilya nang sobra maayos dw ang buhay nila mama nuon.after a year umuwi si papa sa pilipinas.sinundan naman nang anak na si JORELL LLAVE kada isang taon umuuwi si papa . umuwi ulit si papa sa SAUDI para mag trabaho ulit para sa kanyang pamilya pagkalipas nang tatlong taon umuwi ulit si papa sa pilipinas at ako na nga ang huling anak nila mas lalo pang pinag buti ni papa ang trabaho niya . 
        


Bumalik si papa sa SAUDI naiwan si mama na buntis sakin.may nag offer kay papa noon na mag trabaho sa USA boston.pero habang tumatagal hindi na masyadong tumatawag si papa noon sa amin at malimit na rin mag padala.Un na nga kaya pala nag kakaganun na may iba na palang kinakasama si papa sa ibab=ng bansa.parang nag hiwalay na rin sila ang usapan ay bibigyan parin nang suporta ang kanyang mga anak lamang.sa SAN PABLO Kami nakatira noon pero nung nag kahiwalay na nga sila lumipat na kami sa LUCENA CITY.two years old palang si ate nun at si kuya isang taon palang at ako ay baby pa.kumuha si mama nang apartment  at duon kami tumira di daw alam ni mama kung paano kami bubuhayin halos ilang buwan daw na di kami pinapadalahan ni papa. kaya nag tsinelas liliw si mama noon tinitinda niya habang sa amin ay may nag aalaga na katulong na kinuha ni mama.Hanggang mag silaki na kami mas tumindi ang pangangailangan ni mama dahil nga kami ay lumalaki na marami na kaming pangangailangan nakapag aral si ate at si kuya sa elementary .pumasok din ako dun sa kanilang pinapasukan LUCENA WEST II ELEMENTARY SCHOOL. natatandaan ko pa noon na kasakasama ako ni mama sa pag titinda nang tsinelas kapag ako ay walang pasok.para sa akin Masaya kasi syempre bata pa naman ako noon mga 7years old ako.nararamdaman ko at tinitingnan ko na nahihirapan si mama Malabo pa naman ang mata ni mama kaya kapag gabi na kami nakakauwi inaalalayan ko si mama dahil din a nga niya Makita ang daan hawak hawak ko ang kanyang kamay. ngayon ko lang napagtatanto ang hirap pala mabuhay nang walang kasamang ama iisa siyang tinataguyod kaming tatlo.kahit naman papano napalaki kami ni mama nang maayos at may magandang pag uugali.Nakatapos si ate nang high school at si kuya ay ay second year palang at ako ay grade 5.

MAKABAGONG AKO :)
Graduate ( grade 6 )
Iba na namang KABANATA naming mag iina.Pinag pasyahan ni mama at papa na lumipat na kami sa SAN PABLO sa bahay namin nung sila pa ni mama at ni papa.Dahil nga dina kaya ni mama pag KOLEHIYOHIN  si ate para sa kapakanan din naman naming kung bakit  kami lilipat na sa SAN PABLO. hinatid kami ni mama sa san Pablo, kala ko nga kasama din si mama yun pala ay hindi nung hinatid kami sa bahay paalis na rin agad si mama. napakasakit  sa aming tatlo para iwanan pero tinanggap naming un dahil alam naman naming na sa ikabubuti naming tatlo un. nasa kwarto si kuya at ate alam ko naman naiyak sila paalis na nga si mama nun ako nalang ang nag hatid kay mama dun sa may kanto iyak nga ako nang iyak nun di ko kasi maintindihan kung bakit kailangan pang  mag hiwa hiwalay kami.Naging INDEPENDENT kaming mag kakapatid nakakapaglaba na kami ng sari-sarili si ate para narin naming naging ina inahan nag aral si ate sa SPC nursing student at si kuya 3rd year sa DIZON HIGH  at ako naman grade 6 sa BAGONG POOK. baguhan pa kami at wala pang masyadong kakilala naninibago kami sa bawat mga lugar dito sa san Pablo. pero kahit ganun tinatagan naming ang aming loob kinaya namin dahil kami kami na nga lang. Naging maayos di naman malungkot dahil parang alone na alone kami wala sa tabi ang mga magulang. kaya pinangako ko sa sarili ko nun kung ako’y mag kakapamilya ung maayos at hindi katulad nung sa amin ngayon.
           




( GAMILLA at LLAVE )
Naging Masaya rin naman ako kahit papano nung GRADE 6 ako marami akong nakilalang bagong tao. isa na dun si JHONALYN IBANEZ MERCADO  siya lang naman ung naging ka close ko nung nag transfer  ako sa BAGONG POOK.haiy naku nung una napaka arte nan,may pa selos selos pa dun kay Jocelyn.pero kami rin naman ung nag kakasabay sabay tuwing recess  time.favorite naming un hanggang ngayun nakakatawa nga sinusundo pa si jhona nung mama niya tuwing hapon samantalang ako walang Mama hehe..minsan lang kami mag away nun at sa maliit pang bagay kung bagah away bata .. Masaya rin naman pala nung nag transfer ako kala ko wala akong makikilala  un pala madami ang bait ko kasi uhugin pa nga ako nun walang kayos ayos sa sarili pero wag ka’t pinag kakaguluhan ako nang mga boys syempre baguhan bagong muka. nakapag tapos na kami ni jhona nang GRADE 6. at napag usapan naming na sa DIZON HIGH kami mag aaral sabay kami nag ENROLL nun at ditto na mag sisimula an aming kabanata first year na ako este kasama pala si jhona hindi ko nakita ang liit pa rin kasi.anyway sisimulan ko ito kung paano kami nag simula edi un na nga enrollan tas diba pasukan?mag  kakatabi kami nina jhonalyn i. Mercado , shiela a. potenciano at margean palinis pero hindi pa naming kilala ang isa’t isa.Si shiela unang nag tanong kung anong pangalan naming ni jhona edi sinabi naming pag katapos habang tumatagal nalalapit na kami sa isa’t isa eksakto naman nag katabitabi kami sa upuan.kaya yun mas lalong sumaya simula noon nag kasama sama na  kami ni shiela.  mawawala pa ba naman sa eksena si margean? syempre hindi . di pa namin siya kilala nunsi jhona unang nakakilala kasi taga BUKID GARDEN silang dalawa tas un nag sasabay sila mas lalong nabuo an gaming grupo apat na kami I-D kami. 

2nd year  at 3rd year na kabanata na naming apat 2nd year at I-D pa rin  kami yahoo kami pa rin mag kakasama ang saya saya namin wala na akong masyadong maikwekwento kasi busy kami sa pag aaral nun. 3rd  year na kami ang tatag pa rin namin  ito na ang kabanata naming na maraming pang yayari may Masaya may malungkot  (JAJHOMASHIE) maraming naganap pero Masaya naman natuto nga kaming ma gala buti nga di pa kami natatalian eh di un malimit kaming gabihin umuwi  kalimitan hindi naming kasama si jhen  mabait kasi yun lalo na pag tulog minsan lagi kaming nasa lake pero para kumain lang
4th year na ang pinaka malungkot naming na kabanata ENROLLAN again mga excited malaman ung mga section tsskk ,, kala naming mag kakaklasmate kami yun pla hindi na. sinadya kaming pag hiwa hiwalayin nung adviser naming si shiela ganun pa rin ang section sinuswerte D pa rin siya ako naman E si margean F  si jhona G in short (DEFG) Alphabet ang daya daya nga pinag hiwalay pa kami kung kalian 4th year na kami.Pero ganun talaga ang buhay pana-panahon lang iyak nga kami nun nang malaman naming na hindi na kami mag kakasama . tinanggap namin wala na rin naming magagawa. Pasukan na ! sabay sabay pa rin kami nag hiwa hiwalay lang kami nung nag kanya kanyang room na kami. ayoko na ngang pumasok nun maiyak iyak pa ko nakakahiya SECTION defg new world and minute hours and day na hindi ko sila mkakasama . Pero kala ninyo hindi na kami mag kikta noh ? ASA Pa malabo kamingMABUWAG kami ay kami pa rin at un na un walang nag babago Masaya ako tuwing kasama ko sila tuwing nakakasama ko sila hindi ko na namamalayan na ang oras . sama sama pa rin kami kung saan ang gala kahit mga walang pera kami ayos lang basta’t mag kakasama kami . di kami nakakapag isip pag gutom ang pinaka matakaw sa amin ay kaming dalawa ni jhona si jhen at jhona naman simpleng matakaw dialog namin kalimitan “ui bezt  hmm nahihiya pa ito lang naman sasabihin “ (pautang naman bezt)  pag meron edi meron pag wala ay pasensyahan nalang. Minsan si jhona ang tumatayong (tanga baon ni shiela este taga baon pala) kung minsan ay ako pag walang wala kami nakakatawang isipin hati hati kami ng baon Masaya kahit ganun. practical kami sa bawat isa! ..
Hanggang nayung mag tatapos na ang high school life  mag kakasama pa rin kami abangan nalang natin ang susunod na kabanata naming appal pag dating nag COLLEGE ..
NEW ~ ME :)
            Tungkol naman sa akin ? hmm ako simpleng tao lamang mababaw ang kaligayahan Masaya na kung anong meron mababaw ang luha maawain masayahin mabilis magalit mabilis din mawala ang galit sa isang tao dramatic minsan hinahangad ko lang magandang buhay ..

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento