Miyerkules, Pebrero 23, 2011

                                                       

TALAMBUHAY NI JAYSON S. BESUNIA

                  Ang aking mga magulang noon ay nagliligawan palang noon ay masayang masaya sila ng araw na iyon, nagpunta ang aking ina sa ibang bansa sa Saudi Arabia para magtrabaho at ng kumita ang aking ama naman noon ay binata pa at ang kanyang ginagawa ay nagtratrabaho para pandagdag sa mga gastusin. Nang magpakasal sila noong Enero 2, 1994 labing anim na taon na ang nakakalipas. Nagpapagawa sila ng bahay matapos silang ikasal at ipinanganak ako noonng Disyembre 4 , 1994 masayang-masaya sila ng nagkaroon sila ng anak pinangalanan nila itong Jayson S. Besunia at ako po yon sa ngayon

Noong nag-birthday ako

                        Isang taon na ang nakalilipas ay ipinagdiwang ang aking unang kaarawan. Masayang-masaya ang aking mga magulang, ang tiya at tiyo ko, ang lolo at lola ko at iba pang mga kapit-bahay naming noon. Naghanda sila ng napakarami dahil ito ang una kong kaarawan at nagpasalamat naman ang aking magulang sa Panginoon dahil binigyan niya ang aking mga magulang ng anak na kagaya ko.  
Noong akoy isang taon

                         Nagsimula akong matutong maglakad ng labing- isang buwan na ako. Inaalagaan nila ako at ayaw nilang magkasakit ako dahil mahal na mhal nila ako at mahal ko din po sila. Ipinanganak ako sa brgy. San Gabriel San Pablo City. Ang pangalan ng aking mga magulang ay Benito Besunia at Lerma Besunia.  
Noong akoy dalawang taon

                        Matapos ang dalawa’t kalahating taon nilang pagsasama isinilang ang aking bunsong kapatid, isinilang siya noong abril 28, 1996 ang pangalan niya ay si Xylene Joy S. Besunia siya po ay isang babae. Ganoon din po ng ipagdiwang ang kanyang kaarawan ay naging masaya din po sila at ako po noon ay dalawang taon na.Naging maayos an gaming buhay dahil sa pagsisikap ng aking mga magulang. Tatlong taon na ako ng ako ay tinuruang bumasa ng abakada. Masusustansyang pagkain ang pinakakain sa akin at ang iniinom ko naman ay gatas pampalakas at pampatibay ng buto, pero inaayawan ko ito kaya ako ay payat noong ako ay tatlong taon. Pagdating ng aking ika- anim na kaarawan ipinaghanda na naman ako ng napakarami dahil mahal nila ako at pati ang aking kapatid. Sa aking paglalaro ay nasusugatan ako dahil sa kalikutan ko. Noong bata ako at pagminsan ay habol-habulin at nadarapa ako kaya ako’y nasusugatan at pag nakita ng aking magulang na may sugat ako ay ginagamot nila agad at ang unang itinatanong sa akin ay “saan mo nakuha ang sugat na iyan?”. Pagkatapos ay pagagalitan ako at sa bandang huli ay sasabihan ako na mag-ingat. Pumasok ako ng kinder noong ako ay anim na taong mahigit nag- aaral ako noong mabuti kasi pag hindi ako nag-aaralay nagagalit ang ama at ina ko. Ako ay pumasok sa barangay namin sa San Gabriel Sitio 9. Nakatapos ako ng kinder at sa liceo de SanPablo ito ginanap.

           Tuwang-tuwa sa akin ang aking mga magulang dahil nakapasa ako sa unang pagsubok ko. Pumasok naman ako ng elementarya sa Ambray Elementary school section B ako noon hanggang pagdating ng grade 6 ay hindi ako nakaalis sa section na iyon pero natuwa ako kasi hindi ako bumababa ng section naka-graduate ako noong 2006 ng marso. Masayang-masaya na naman ang aking mga magulang dahil naipasa ko ang ikalawang pagsubok sa aking buhay.
Noong akoy nag-graduate

                Noong ako ay maka-graduate ay nagpunta agad kami sa pinakamalapit na Jollibee doon ipinadiwang an gaming kasiyahan at doon din kami naghapunan. Kinabukasan ay wala ng pasokat natapos ko ang aking pag- aaral sa ikalawang pagsubok ko. Araw - araw ako ay naglalaro kasama ang aking kapatid at aking mga pinsan. Sumapit ang kaarawan ng kapatid ko, april 28 noon at bakasyon ng araw na iyon Masaya kaming nag-langoy kasama ang lahat ng mga kamag anak ko. Hindi pa ako maalam lumangoy ng araw na iyon nag-iisa akong maglangoy sa isang pool walang tao at lahat ay nasa kabila ako ay ampos noon pero may salbabida ako pero ito ay unti- unting nawawalan ng hangin at lumubog ako, nalulunod ako ng mga oras na iyon nakita ako ng aking ina at tinulungan niya ako at ng maiahon niya ako ay napakarami ko noong nainom na tubig at hinang- hina ako dahil hindi ako makahinga. Dinala muna ako sa cottage at doon ako nag pahinga at pinakain ako, naligo na ako at nagbihis na habang ang ibang bata ay nagsasaya pa. ang bilis ng panahon pasukan na naman first year highschool na ako noon at pumapasok ako sa Dizon high na dating annex. Natuto akong maglaro ng computer kasama ang aking mga kaklase. Ang una kong natutunang laro ay counterstrike naging magaling ako sa larong iyon. Pagdating ko sa 2nd yr. highschool ay nagkaroon na naman ako ng mga bagong kakilala at natuto akong maglaro ng online games nakakaadik ang mga larong iyon at habang tumataas ang level ay lalo kong nagugustuhan hanggang sa pagdating ko ng 3rd yr. highschool ayon at ayon parin ang nilalaro ko. Feb. 13-14 2010 pinagdiwang ang JS prom isinayaw ko ang aking mga kaklase masayang Masaya ang gabing iyon para sa akin ang akin nama laging pinanonood ay action movies dahil gusto ko iyon at tulad noon ang bida ang lagging nagtatagumpay pag sapit ng isa pa uling taon ang pangatlo kong pagsubok naging Masaya ko kasi pangatlo na ito at dapat kong ipasa ang sunod dito ay kolehiyo na at marami pang susunod natutunan ko naman ngayong 4th yr na ako  ay special force at naglalaro din ako ng video game. Naging Masaya ako sa aking mga naging kaklase dahil hindi nila ako iniiwanan lalo na ang aking mga kaibigan naging magaling at masayahin ko silang kaibigan at nagpapasalamat ako sakanila dahil tinutulungan nila ako. Feb. 11-12, 2011 ipinagdiwang na naman ang JS prom na kung saan maraming kabataan ang sumali ang naging kasuotan doon ay Hawaiian. Kahit kakaunti ang isinayaw ko ay naging Masaya ko dahil hindi nila ako iniwanan sana’y marami pang dumating na kasiyahan sa buhay ko at lalong lao na sa aking pamilya, mahal na mahal ko sila pati na ang aking mga kaibigan hinding hindi ko sila makakalimutan kahit pagbalik-baliktarin pa ang mundo.
 Ang aking mga magulang noon ay nagliligawan palang noon ay masayang masaya sila ng araw na iyon, nagpunta ang aking ina sa ibang bansa sa Saudi Arabia para magtrabaho at ng kumita ang aking ama naman noon ay binata pa at ang kanyang ginagawa ay nagtratrabaho para pandagdag sa mga gastusin. Nang magpakasal sila noong Enero 2, 1994 labing anim na taon na ang nakakalipas. Nagpapagawa sila ng bahay matapos silang ikasal at ipinanganak ako noonng Disyembre 4 , 1994 masayang-masaya sila ng nagkaroon sila ng anak pinangalanan nila itong Jayson S. Besunia at ako po yon sa ngayon. Isang taon na ang nakalilipas ay ipinagdiwang ang aking unang kaarawan. Masayang-masaya ang aking mga magulang, ang tiya at tiyo ko, ang lolo at lola ko at iba pang mga kapit-bahay naming noon. Naghanda sila ng napakarami dahil ito ang una kong kaarawan at nagpasalamat naman ang aking magulang sa Panginoon dahil binigyan niya ang aking mga magulang ng anak na kagaya ko. Nagsimula akong matutong maglakad ng labing- isang buwan na ako. Inaalagaan nila ako at ayaw nilang magkasakit ako dahil mahal na mhal nila ako at mahal ko din po sila. Ipinanganak ako sa brgy. San Gabriel San Pablo City. Ang pangalan ng aking mga magulang ay Benito Besunia at Lerma Besunia. Matapos ang dalawa’t kalahating taon nilang pagsasama isinilang ang aking bunsong kapatid, isinilang siya noong abril 28, 1996 ang pangalan niya ay si Xylene Joy S. Besunia siya po ay isang babae. Ganoon din po ng ipagdiwang ang kanyang kaarawan ay naging masaya din po sila at ako po noon ay dalawang taon na. Naging maayos an gaming buhay dahil sa pagsisikap ng aking mga magulang. Tatlong taon na ako ng ako ay tinuruang bumasa ng abakada. Masusustansyang pagkain ang pinakakain sa akin at ang iniinom ko naman ay gatas pampalakas at pampatibay ng buto, pero inaayawan ko ito kaya ako ay payat noong ako ay tatlong taon. Pagdating ng aking ika- anim na kaarawan ipinaghanda na naman ako ng napakarami dahil mahal nila ako at pati ang aking kapatid. Sa aking paglalaro ay nasusugatan ako dahil sa kalikutan ko. Noong bata ako at pagminsan ay habol-habulin at nadarapa ako kaya ako’y nasusugatan at pag nakita ng aking magulang na may sugat ako ay ginagamot nila agad at ang unang itinatanong sa akin ay “saan mo nakuha ang sugat na iyan?”. Pagkatapos ay pagagalitan ako at sa bandang huli ay sasabihan ako na mag-ingat. Pumasok ako ng kinder noong ako ay anim na taong mahigit nag- aaral ako noong mabuti kasi pag hindi ako nag-aaralay nagagalit ang ama at ina ko. Ako ay pumasok sa barangay namin sa San Gabriel Sitio 9. Nakatapos ako ng kinder at sa liceo de SanPablo ito ginanap. Tuwang-tuwa sa akin ang aking mga magulang dahil nakapasa ako sa unang pagsubok ko. Pumasok naman ako ng elementarya sa Ambray Elementary school section B ako noon hanggang pagdating ng grade 6 ay hindi ako nakaalis sa section na iyon pero natuwa ako kasi hindi ako bumababa ng section naka-graduate ako noong 2006 ng marso. Masayang-masaya na naman ang aking mga magulang dahil naipasa ko ang ikalawang pagsubok sa aking buhay. Noong ako ay maka-graduate ay nagpunta agad kami sa pinakamalapit na Jollibee doon ipinadiwang an gaming kasiyahan at doon din kami naghapunan. Kinabukasan ay wala ng pasokat natapos ko ang aking pag- aaral sa ikalawang pagsubok ko. Araw - araw ako ay naglalaro kasama ang aking kapatid at aking mga pinsan. Sumapit ang kaarawan ng kapatid ko, april 28 noon at bakasyon ng araw na iyon Masaya kaming nag langoy kasama ang lahat ng mga kamag anak ko. Hindi pa ako maalam lumangoy ng araw na iyon nag-iisa akong maglangoy sa isang pool walang tao at lahat ay nasa kabila ako ay ampos noon pero may salbabida ako pero ito ay unti- unting nawawalan ng hangin at lumubog ako, nalulunod ako ng mga oras na iyon nakita ako ng aking ina at tinulungan niya ako at ng maiahon niya ako ay napakarami ko noong nainom na tubig at hinang- hina ako dahil hindi ako makahinga. Dinala muna ako sa cottage at doon ako nag pahinga at pinakain ako, naligo na ako at nagbihis na habang ang ibang bata ay nagsasaya pa. ang bilis ng panahon pasukan na naman first year highschool na ako noon at pumapasok ako sa Dizon high na dating annex. Natuto akong maglaro ng computer kasama ang aking mga kaklase. Ang una kong natutunang laro ay counterstrike naging magaling ako sa larong iyon. Pagdating ko sa 2nd yr. highschool ay nagkaroon na naman ako ng mga bagong kakilala at natuto akong maglaro ng online games nakakaadik ang mga larong iyon at habang tumataas ang level ay lalo kong nagugustuhan hanggang sa pagdating ko ng 3rd yr. highschool ayon at ayon parin ang nilalaro ko. Feb. 13-14 2010 pinagdiwang ang JS prom isinayaw ko ang aking mga kaklase masayang Masaya ang gabing iyon para sa akin ang akin nama laging pinanonood ay action movies dahil gusto ko iyon at tulad noon ang bida ang lagging nagtatagumpay pag sapit ng isa pa uling taon ang pangatlo kong pagsubok naging Masaya ko kasi pangatlo na ito at dapat kong ipasa ang sunod dito ay kolehiyo na at marami pang susunod natutunan ko naman ngayong 4th yr na ako  ay special force at naglalaro din ako ng video game. Naging Masaya ako sa aking mga naging kaklase dahil hindi nila ako iniiwanan lalo na ang aking mga kaibigan naging magaling at masayahin ko silang kaibigan at nagpapasalamat ako sakanila dahil tinutulungan nila ako. Feb. 11-12, 2011 ipinagdiwang na naman ang JS prom na kung saan maraming kabataan ang sumali ang naging kasuotan doon ay Hawaiian. Kahit kakaunti ang isinayaw ko ay naging Masaya ko dahil hindi nila ako iniwanan sana’y marami pang dumating na kasiyahan sa buhay ko at lalong lao na sa aking pamilya, mahal na mahal ko sila pati na ang aking mga kaibigan hinding hindi ko sila makakalimutan kahit pagbalik-baliktarin pa ang mundo.



                                                       

Martes, Pebrero 22, 2011

TALAMBUHAY NI JAZZMINE F. LLAVE (babaeng sawi)


AMA :)
             Sisimulan ko ito sa unang-unang pangyayari kung bakit ako naririto sa mundong ito.Ang Pangalan ng aking INA ay si MA.CHRISTINA MARCIANO FORTALEZA. sabi niya o kinukwento niya sa amin simpleng tao lang siya at hindi marangya ang buhay nila.Sa pag kakakwento ng aking ina mahirap lamang sila at wala pang magandang buhay na ibinigay ang ama nila.nung sila ay lumalaki na imbis na pag aralin ay mas gusting mag trabaho agad.pero nag aral si mama nun hindi alam un nang tatay niya. si mama ay taga LUCENA CITY.nakapag tapos siya nang HIGH SCHOOL  sa QUEZON HIGH NATIONAL HIGH SCHOOL.at nakapag KOLEHIYO ng isang taon at kalahati lng.Dahil sa kakulangan sa pera siya lang naman nag paaral sa kanyang sarili.Nang makapag trabaho siya napag aral niya ung dalawa niyang kapatid at nakapag tapos matalino naman ung mga kapatid niya kaya nabigyan ng SCHOLARSHIP.
Mama at Kuya at Ate ko :))
      


Graduate ( kinder )
           Ang aking AMA naman ay si JULIO DE LUNA LLAVE JR, kabaligtaran naman ng buhay ni mama maayos ang pamilya nila ang kanyang ama ay ENGINEER at ang kanyang ina ay DENTISTA.nakapag tapos si papa sa school ng ADAMSON UNIVERSITY.nag kakilala sila ni mama si isang lugar di ko na tanda kung saan.nabighani dw sa kagandahan ni mama si papa nag ka developan sila.hanggang sa dumadalaw si mama sa bahay ni mama.pinakitunguhan ni papa ang ama ni mama.natanggap naman ng tatay ni mama si papa.naging sila at tumagal ang pag sasamahan nila hanggang nag pasyang mag pakasal na. mas matanda si papa ng tatlong taon ky mama pero age does’nt matter.ikinasal sila noong APRIL 24,1990 at nag bunga nang unang anak na si JANINE FORTALEZA LLAVE.si ate pa lng ang unang anak noon.nag  trabaho si papa sa SAUDI. executive secretary.halos ilang taon din dw nawala si papa noon.pero kahit ganun araw-araw naman tumatawag si papa sa nag papadala din sa kanyang pamilya nang sobra maayos dw ang buhay nila mama nuon.after a year umuwi si papa sa pilipinas.sinundan naman nang anak na si JORELL LLAVE kada isang taon umuuwi si papa . umuwi ulit si papa sa SAUDI para mag trabaho ulit para sa kanyang pamilya pagkalipas nang tatlong taon umuwi ulit si papa sa pilipinas at ako na nga ang huling anak nila mas lalo pang pinag buti ni papa ang trabaho niya . 
        


Bumalik si papa sa SAUDI naiwan si mama na buntis sakin.may nag offer kay papa noon na mag trabaho sa USA boston.pero habang tumatagal hindi na masyadong tumatawag si papa noon sa amin at malimit na rin mag padala.Un na nga kaya pala nag kakaganun na may iba na palang kinakasama si papa sa ibab=ng bansa.parang nag hiwalay na rin sila ang usapan ay bibigyan parin nang suporta ang kanyang mga anak lamang.sa SAN PABLO Kami nakatira noon pero nung nag kahiwalay na nga sila lumipat na kami sa LUCENA CITY.two years old palang si ate nun at si kuya isang taon palang at ako ay baby pa.kumuha si mama nang apartment  at duon kami tumira di daw alam ni mama kung paano kami bubuhayin halos ilang buwan daw na di kami pinapadalahan ni papa. kaya nag tsinelas liliw si mama noon tinitinda niya habang sa amin ay may nag aalaga na katulong na kinuha ni mama.Hanggang mag silaki na kami mas tumindi ang pangangailangan ni mama dahil nga kami ay lumalaki na marami na kaming pangangailangan nakapag aral si ate at si kuya sa elementary .pumasok din ako dun sa kanilang pinapasukan LUCENA WEST II ELEMENTARY SCHOOL. natatandaan ko pa noon na kasakasama ako ni mama sa pag titinda nang tsinelas kapag ako ay walang pasok.para sa akin Masaya kasi syempre bata pa naman ako noon mga 7years old ako.nararamdaman ko at tinitingnan ko na nahihirapan si mama Malabo pa naman ang mata ni mama kaya kapag gabi na kami nakakauwi inaalalayan ko si mama dahil din a nga niya Makita ang daan hawak hawak ko ang kanyang kamay. ngayon ko lang napagtatanto ang hirap pala mabuhay nang walang kasamang ama iisa siyang tinataguyod kaming tatlo.kahit naman papano napalaki kami ni mama nang maayos at may magandang pag uugali.Nakatapos si ate nang high school at si kuya ay ay second year palang at ako ay grade 5.

MAKABAGONG AKO :)
Graduate ( grade 6 )
Iba na namang KABANATA naming mag iina.Pinag pasyahan ni mama at papa na lumipat na kami sa SAN PABLO sa bahay namin nung sila pa ni mama at ni papa.Dahil nga dina kaya ni mama pag KOLEHIYOHIN  si ate para sa kapakanan din naman naming kung bakit  kami lilipat na sa SAN PABLO. hinatid kami ni mama sa san Pablo, kala ko nga kasama din si mama yun pala ay hindi nung hinatid kami sa bahay paalis na rin agad si mama. napakasakit  sa aming tatlo para iwanan pero tinanggap naming un dahil alam naman naming na sa ikabubuti naming tatlo un. nasa kwarto si kuya at ate alam ko naman naiyak sila paalis na nga si mama nun ako nalang ang nag hatid kay mama dun sa may kanto iyak nga ako nang iyak nun di ko kasi maintindihan kung bakit kailangan pang  mag hiwa hiwalay kami.Naging INDEPENDENT kaming mag kakapatid nakakapaglaba na kami ng sari-sarili si ate para narin naming naging ina inahan nag aral si ate sa SPC nursing student at si kuya 3rd year sa DIZON HIGH  at ako naman grade 6 sa BAGONG POOK. baguhan pa kami at wala pang masyadong kakilala naninibago kami sa bawat mga lugar dito sa san Pablo. pero kahit ganun tinatagan naming ang aming loob kinaya namin dahil kami kami na nga lang. Naging maayos di naman malungkot dahil parang alone na alone kami wala sa tabi ang mga magulang. kaya pinangako ko sa sarili ko nun kung ako’y mag kakapamilya ung maayos at hindi katulad nung sa amin ngayon.
           




( GAMILLA at LLAVE )
Naging Masaya rin naman ako kahit papano nung GRADE 6 ako marami akong nakilalang bagong tao. isa na dun si JHONALYN IBANEZ MERCADO  siya lang naman ung naging ka close ko nung nag transfer  ako sa BAGONG POOK.haiy naku nung una napaka arte nan,may pa selos selos pa dun kay Jocelyn.pero kami rin naman ung nag kakasabay sabay tuwing recess  time.favorite naming un hanggang ngayun nakakatawa nga sinusundo pa si jhona nung mama niya tuwing hapon samantalang ako walang Mama hehe..minsan lang kami mag away nun at sa maliit pang bagay kung bagah away bata .. Masaya rin naman pala nung nag transfer ako kala ko wala akong makikilala  un pala madami ang bait ko kasi uhugin pa nga ako nun walang kayos ayos sa sarili pero wag ka’t pinag kakaguluhan ako nang mga boys syempre baguhan bagong muka. nakapag tapos na kami ni jhona nang GRADE 6. at napag usapan naming na sa DIZON HIGH kami mag aaral sabay kami nag ENROLL nun at ditto na mag sisimula an aming kabanata first year na ako este kasama pala si jhona hindi ko nakita ang liit pa rin kasi.anyway sisimulan ko ito kung paano kami nag simula edi un na nga enrollan tas diba pasukan?mag  kakatabi kami nina jhonalyn i. Mercado , shiela a. potenciano at margean palinis pero hindi pa naming kilala ang isa’t isa.Si shiela unang nag tanong kung anong pangalan naming ni jhona edi sinabi naming pag katapos habang tumatagal nalalapit na kami sa isa’t isa eksakto naman nag katabitabi kami sa upuan.kaya yun mas lalong sumaya simula noon nag kasama sama na  kami ni shiela.  mawawala pa ba naman sa eksena si margean? syempre hindi . di pa namin siya kilala nunsi jhona unang nakakilala kasi taga BUKID GARDEN silang dalawa tas un nag sasabay sila mas lalong nabuo an gaming grupo apat na kami I-D kami. 

2nd year  at 3rd year na kabanata na naming apat 2nd year at I-D pa rin  kami yahoo kami pa rin mag kakasama ang saya saya namin wala na akong masyadong maikwekwento kasi busy kami sa pag aaral nun. 3rd  year na kami ang tatag pa rin namin  ito na ang kabanata naming na maraming pang yayari may Masaya may malungkot  (JAJHOMASHIE) maraming naganap pero Masaya naman natuto nga kaming ma gala buti nga di pa kami natatalian eh di un malimit kaming gabihin umuwi  kalimitan hindi naming kasama si jhen  mabait kasi yun lalo na pag tulog minsan lagi kaming nasa lake pero para kumain lang
4th year na ang pinaka malungkot naming na kabanata ENROLLAN again mga excited malaman ung mga section tsskk ,, kala naming mag kakaklasmate kami yun pla hindi na. sinadya kaming pag hiwa hiwalayin nung adviser naming si shiela ganun pa rin ang section sinuswerte D pa rin siya ako naman E si margean F  si jhona G in short (DEFG) Alphabet ang daya daya nga pinag hiwalay pa kami kung kalian 4th year na kami.Pero ganun talaga ang buhay pana-panahon lang iyak nga kami nun nang malaman naming na hindi na kami mag kakasama . tinanggap namin wala na rin naming magagawa. Pasukan na ! sabay sabay pa rin kami nag hiwa hiwalay lang kami nung nag kanya kanyang room na kami. ayoko na ngang pumasok nun maiyak iyak pa ko nakakahiya SECTION defg new world and minute hours and day na hindi ko sila mkakasama . Pero kala ninyo hindi na kami mag kikta noh ? ASA Pa malabo kamingMABUWAG kami ay kami pa rin at un na un walang nag babago Masaya ako tuwing kasama ko sila tuwing nakakasama ko sila hindi ko na namamalayan na ang oras . sama sama pa rin kami kung saan ang gala kahit mga walang pera kami ayos lang basta’t mag kakasama kami . di kami nakakapag isip pag gutom ang pinaka matakaw sa amin ay kaming dalawa ni jhona si jhen at jhona naman simpleng matakaw dialog namin kalimitan “ui bezt  hmm nahihiya pa ito lang naman sasabihin “ (pautang naman bezt)  pag meron edi meron pag wala ay pasensyahan nalang. Minsan si jhona ang tumatayong (tanga baon ni shiela este taga baon pala) kung minsan ay ako pag walang wala kami nakakatawang isipin hati hati kami ng baon Masaya kahit ganun. practical kami sa bawat isa! ..
Hanggang nayung mag tatapos na ang high school life  mag kakasama pa rin kami abangan nalang natin ang susunod na kabanata naming appal pag dating nag COLLEGE ..
NEW ~ ME :)
            Tungkol naman sa akin ? hmm ako simpleng tao lamang mababaw ang kaligayahan Masaya na kung anong meron mababaw ang luha maawain masayahin mabilis magalit mabilis din mawala ang galit sa isang tao dramatic minsan hinahangad ko lang magandang buhay ..
                          TALAMBUHAY NI ARLYN JARANILLA
                               ( Ang Babaeng Pilya pero Sweet)
Nung ako'y bininyagan

Tito at ako :)
                           
            Hunyo 6,1995 ng ikasal si Armando at Genalyn Jaranilla. Nang ikasal sila ay apat na buwan nang nagbubuntis ang aking ina. Nobyembre 29,1995 alastre ng hapon ng mag luwal ang ina ko ng isang malusog na batang babae at ang batang babaeng iyon ay ako. Ang ipinangalang nila sa akin ay Arlyn Jaranilla dahil kinuha ang "Ar" sa aking ama at "Lyn" sa aking ina, kaya daw mamula mula daw ang aking kulay ay dahil pinaglihi daw ako sa Lechon. Nang akoy bata pa kami ay naninirahan sa tabing ilog sa may barangay II-F Maharlika HighWay. Marami akong naging karansan sa lugar na iyon. Ayon sa kwento ng aking ina sa aming tatlong mag kakapatid ako daw ang pinaka pahirapan sakanila nang ako ay bata pa. 

ME at SM San Pablo :)

Jazzmine And Me :)
                       
J.S PROM (with JAZZ and JEZSY)
            Kahit daw kasi pinapadede na ako at isinasayaw nang aking ama ang di daw malimutang pangyayari ng aking ina ay nang ako ay tatlong taon at mag dadalawang buwan naman ang sumunod sa akin nag aaway daw kaming mag kakapatid sa terris namin at galit ng aking kapatid ay ibinato sa akin ang aming remote nakailag naman ako at ngunit nahulog ang aming remote sa ilog hinabol ito ng aking ama ngunit hindi nya ito nakuha
Kahit anong galit daw ng aking ina ay wala silang nagawa dahil wala pa naman kaming muwang sa mundo. Ang ayaw ko sa lahat ng pamumuhay namin doon ay ang tulay na tinatawiran bago makalampas sa aming labasan. Lagi daw akong nahuhulog sa ilog. Muntik ko na ikamatay nang nahulog. daliri nalang daw ang kita sa akin ng akoy masagip ng isang lalaki. Sobra sobra ang pasasalamat ng aking mga magulang sa nakasagip sa akin. Limang taon kami ay lumipat ng bahay ang tawag sa lugar ng aming pinag lipatan ay Dulo ngunit di rin kalayuan sa ilog. Maayos ang aming pamumuhay ngunit sa lugar na iyon ay maraming problema ang dumating sa amin. Isa na rito ang pagkakasakit ko ng Hepatitis ito daw ay paninilaw ng mata at ng balat. nakuha daw ito sa pagkaing madudumi kagaya ng Streetfoods. Muntik ko na daw ikamatay dahil hindi daw ako napaturukan ni mama para sa sakit na ito. Ang aking gamot dito ay ang kending lemon naging dahilan ito ng pag kabulok ng aking mga ngipin. Limang taon at kalahati ng ipasok ako ng aking ina sa Grade 1 sa Ambray Elementary School. 
                                    Ayaw pa sana ako tanggapin ng aking guro dahil masyado pa daw akong bata kaya pineke ni mama ang aking taon ng pagkapanganak sa birth certificate. Ginawa itong 1994 imbes na 1995 upang akoy makapasok ng Grade1 dahil ayokong mag kinder. Ipinasok nga ako pero ako ay saling pusa lamang Bata pa naman daw ako kaya kahit hindi daw ako makapasa ay pwede pa daw akong umulit. Ilang araw bago mag sarahan ang klase ng ipatawang ang aking guro na si Mam Manicad na napaka bait sa akin kinausap nya ang aking ina. Akala ni mama na kaya sya pinatawag ay hindi ako nakapasa ngunit nagulat sya na sabihin na ako ay 1st honor sa aming klase. Ako daw ay pasa at pwede na daw akong mag Grade 2 pwede na daw akong makipag sabayan sa mga mas nakakatanda sa akin . Labis ang tuwa ng aking ina at lola , kumain kami sa Jollibee pati ako ay tuwang tuwa rin proud na proud sa aking ang aking papa at ang iba ko pang mga kapamilya . Nang ako ay Grade 2 na pili ako ng aking guro na kumanta dahil may program sa aming paaralan ayoko sana dahil ako ay nahihiya pero pinipilit ako na pumayag at ako mga ilang oras ako ay pumayag. Ang aking kinanta ay Pangako na kinanta ni Regine. Araw araw akong nag papraktis sa bahay. Sinanay nila ako na kumanta sa maraming tao upang ako daw ay hindi mahiya ngunit nahihiya parin ako dahil mismo kahit silang mga magulang ko na nanonood ay nahihiya parin ako. Dumating ang araw na pagtagumpayan kong nakanta. Medyo na alis sa akin ang hiya ng ako ay palakpakan na ng maraming tao. Isa ako  sa mga napili ng aking guro na sumayaw ng Docsology. Naging matagumpay naman ang pagsayaw namin Ito ay pinag buhusan ko ng pansin dahil sa kailangan at para sa Panginoon. Nang ako ay naging Grade 4 ay marami akong naging karansan. Isa na rito ay nang ilaban ako ng Spelling Bee at nakuha ko ang second runner up. Napaka saya ko at ng aking mga guro Ibinalita ko rin ito kay mama at papa kaya sila ay tuwang tuwa sa akin.   
J.S PROM with ( JAZZ JESSICA )